Grabeng Issue…
haha.. i should be writing my supervised legal research right now. But
I read my kabarkada’s poem which he submitted to Portia for the annual
Poetry Sojourn. (or whatever it is called, i don’t remember hehe)
Anyway,
this poem is my immediate reaction to his poem. Na-inspire lang kasi
ako. Don’t read anything behind this
Pag-bigyan niyo na ako. Bihira
akong magsulat ng Filipino poem.
(obvious naman sa quality… or the lack thereof hehe)
I’m also posting my friend’s poem after my poem
His poem is entitled TYPO. I think that’s his best work yet:)
Grabe
May kaibigan akong sumulat ng tula.
Tungkol sa "Typo" o maling pagsulat.
Napaisip akong Grabe ang tama niya,
Sa minahal niyang, di namin inakala.
Natawa ako sa simula.
Sinabi kong hindi mangyayari sakin yun.
Ang umasa sa wala?
Pag-asang binabaliwala?
Sa loob-loob ko… “pare, ang sagwa”.
Nagpatawa na lang ako. Dun naman kasi kami magaling.
Humirit akong “pagdating sa chicks, makinig ka kasi sakin”.
“Mahirap yang ganyan”, ang pinag-isipan kong pagpayo.
Sinagot ako ng pabalang. Wala naman daw akong alam.
Lahat daw nakukuha ko, kahit mga hindi ko ginugusto.
Mga basura’t basurero.
Napaisip naman ako.
Parang ngang oo.
Isang beses lang daw kasi ako na-basted.
Mga nagpaparamdam daw sakin, “I take for granted”.
Grabe. Parang tinamaan na talaga ako.
Sa dami-dami ng tinukso sakin. Parang doon ako nagpaapekto.
Kasi parang ngang totoo.
Parang may nambibisto.
Ewan ko ba kung sino. Pero pare, parang eksakto.
Kaya ako naman ang humihingi ng payo.
Kumbaga, nag-iingat lang. Kasi pano pag ako naman ang
tamaan?
Makarinig nang “too late”, hindi ko kayang sakyan.
Ayoko kasi sanang masaktan.
Tingnan niyo yung kanyang
dinadaanan.
Parang nakakatawa kasi baka “nagsasakit-sakitan lang” ang
loko.
Pero dahil kilala ko siya, Alam kong masakit talaga sa puso.
Ako man kasi, aamin ding ayokong mapaso.
Malay niyo…
Pag grabe na at di ko na mapigilan, umamin din
ako.
Kasi naman, parang nangyari na to dati.
May magtatanong nanaman kasi.
“Ma’l mo?”
Graaaaaaabeeeeeeeeeeee…
Eto nanaman tayo.
_________________________________________________
TYPO
‘mahan kita,
kahit saan mo
gusto pumunta,
hindi dahil
kailangan mo
ng kasama—
alam ko naman,
kaya mong mag-isa,
at hindi ako
ang gusto mong
umupo sa tabi mo;
ganoon talaga,
wala akong magagawa,
pero kung maisipan
mo man,
‘mahan kita,
sabihin mo lang.
kung ayaw mo,
na malamang,
hindi kita masisisi,
hindi rin ako mamimilit,
pero para lang
alam mo,
kung sawa ka nang
mag-isa, o sa katabi mo,
dito lang ako,
naghihintay,
baka kasi biglang
gusto mo na rin
akong ‘mahan.
huwag kang mag-alala,
hindi naman ako umaasa,
na ‘mahan mo rin ako,
ngayon, o pagdating
ng panahon,
hindi kita sisisihin,
hindi pipilitin—
basta,
mahan kita
kahit wala na ako,
kahit wala ka na.
______________________________
End
March 6th, 2007 at 10:51 am
Aba! Pinublish mo na pala ito sa web! Joke lang.
Salma
Parole (It’s called Parole) Coordinator
P.S. Punta ka sa Poetic Sojourn para makuha mo copy mo!
March 8th, 2007 at 6:45 pm
haha.. oo nga e…
i might not be able to go to the Poetic Sojourn kasi later.
i have class from 6-8. i’ll try though